wikang filipino dapat gamitin; wikang english palaganapin din

Posted: October 16, 2011 in Uncategorized

sa isang training workshop na dinaluhan ko, nakita ko dun ang mga kakilala ko na pansin ko’y may potensiyal sa pagganap ng mga katauhan. ang galing-galing nila.

ang tema kasi ng workshop na iyon ay ang pagpapalakas ng confidence na naglalayong hindi lang makapagsalita ang bawat kalahok nang mabisa ngunit naglalayon ding maging matibay ang lakas ng loob ng bawat isa sa paghahayag ng kung anuman sa entablado.

sa paglalagom ng workshop na iyon, napansin ko na may ilan sa mga kalahok na namahagi ng kanilang mga natutunan ay naka-focus sa mga bagay-bagay tungkol sa paggamit sa wikang ingles. isa raw balakid sa pagsasalita o paghahayag ng matino sa harap ay ang hindi sapat na kaalaman sa wikang ito. namahagi ang ilang kalahok ng kanilang mga payo upang maisaayos pa nila ang paggamit ng naturang wika.

kung ako ang tatanungin, nais ko na kapag ako ay nagbigay ng pahayag ay magagamit ko ang wika na kung saan ay nasanay ako. doon ako mas comfortable. sa pakikipag-usap sa ibang tao nais kong sabihin ang isang bagay sa isang medium na alam ko, at hindi na ako dapat maghihirap pa upang masabi ko ito sa isang medium na hindi naman talaga likas sa akin. tutal, kung naunawaan naman ng kausap ko yun eh jive na kami.

mag-aaral ako sa isang english GE subject. wala akong hinanakit sa wikang ito na ginagamit sa pilipinas bilang isang opisyal na wika. kaya ko nga inaaral ito upang magkaroon ako ng mas malalim pang pag-unawa sa paggamit nito. ngunit ang ang ayaw ko lang sa wikang ito ay ang paggamit nito na parang yun lang ang wika sa buong mundo. (iginagalang ko ang ibang mga tao na gumagamit nito dahil maaaring bahagi na ito ng kanilang trabaho.)

naaalala niyo ba ang pagsakop ng mga amerikano sa pilipinas, maging ng britanya (sinakop tayo ng ilang araw o linggo lamang ng mga ito)? oo, may impluwensiya sila sa pagpapalaganap ng wikang ito sa pilipinas. kaya wala talaga tayong magawa noon kundi ang sumunod sa kanilang mga iniimpose. ngayong sinasabi nang “malaya” na ang pilipinas, ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan (constitutional commissions, university of the philippines, komisyon sa wikang filipino, etc.) ay gumagawa, magpasahanggang ngayon, ng mga hakbang at stratehiya upang mapalaganap ang wikang pambansa sa buong pilipinas. sa bawat palit ng saligang batas may sinasabi ang isang artikulo tungkol sa pambansang wika (1935: batay sa tagalog, 1973: Pilipino pero walang namungkahing basehan, 1987: Filipino at batay sa iba’t ibang wika sa pilipinas[1]). ang unibersidad ng pilipinas ay bumuo ng patakaran sa wika, alinsunod sa saligang-batas ng 1987.

“Pangunahing itinatakda ng U.P. Patakarang Pangwika ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa Unibersidad sa di-gradwadong level sa loob ng isang risonableng panahon ng transisyon. Sa panahong ito, pasisiglahin ang paggamit ng Filipino sa pananaliksik, gawaing ekstensiyon at bilang wika ng opisyal na komunikasyon. Kaakibat nito ang pagsuporta sa paggawa ng mga teksbuk at iba pang gamit panturo; pagpapaunlad ng pananaliksik sa Filipino at iba pang wika sa Filipinas; at pagsusulong ng pagsasalin ng mga materyal na panturo.”[2]

sa puntong ito, naitatag ng Unibersidad ang Sentro ng Wikang Filipino “na siyang tumulong sa pagsubaybay ng implementasyon ng Patakarang Pangwika sa level ng sistema ng UP.”[3] dati sa up diliman pa lamang mayroon nito, at sa paglipas ng panahon ay mayroon na rin nito sa iba’t ibang yunit ng up tulad ng los baños, manila at baguio. ang komisyon sa wikang filipino ay nabuo sa bisa ng artikulo XIV seksiyon 9 ng saligang-batas ng 1987.[4] ang totoo niyan, noong naisakatuparan ang saligang batas ng 1935 ay nagkaroon na pala ng surian ng wikang pambansa.[5] ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga ahensiya ng pamahalaan na gumagawa ng pamamaraan upang gawing pangunahing wika ang filipino at gayundin upang magkaroon ng sariling identity ang pilipinas sa lebel ng wika.

ganoon pinaghirapan ng mga tao noong una ang pagkakaroon ng sariling wika ng pilipinas. andaming nagsagawa ng mga hakbang at pagkilos upang magkaroon lamang ang pilipinas ng sarili nitong wika.

sabi ko nga, hindi ko naman inaayawan ang ingles bilang wikang ginagamit sa pilipinas. sa totoo lang, kailangan natin ang wikang iyon upang kung hindi man makipagsabayan ay maunawaan man lang natin ang nangyayari sa ating mundo. ngunit kung iyon lang ang wika na iiimpose natin sa mga tao na gamitin nila sa pang-araw-araw nating buhay, hindi yata ayos yun. parang sinabi mo na rin na wala kang maipagmamalaki sa sarili mong wika. sa ibang bansa, ang sariling wika ay kanilang ipinagmamalaki, yung tipong mapapahanga ka pa. sa atin, siguro dala na rin ng kolonisasyon, ay parang na-down yung wika natin kasi minsan iniisip natin na superior ang mga bansang ito kaysa atin, datapwa’t ang totoo ay pantay-pantay lang ang mga bansa, pare-parehong may estado, teritoryo, pamahalaan, mamamayan at kapangyarihan, magkakaiba man ng economic status.

naaala ko tuloy may isang bata akong nakausap, english speaker. tinanong ko kung nakauunawa ba siya ng filipino o tagalog. sabi niya hindi raw. sabi ko sa bata na sana matuto siya ng filipino kasi paano kung may kausap siya na iba pang bata tapos gusto niyang makipagkaibigan pero naiintimidate sa kanya yung bata kasi di naman siya nakaiintindi ng english.

sabihin na ninyong idealista ako kasi mag-aaral pa lang ako. balang araw makikita ko na ang mga pinagsusulat ko dito ay maaaring mali. ito ay ayon lang sa nakikita ko. inilapat ko lang ito sa mga bagay na naririnig o nalalaman ko.

sa totoo lang, gusto ko yung sinabi ng speaker na be comfortable with the language (english). sang-ayon naman ako doon. kailangan iyon sa pakikipagtalastasan lalo kapag ang medium ay nasa wikang english. ang nais kong ipunto lang dito ay ang hindi sana pagkalimot o hindi unti-unting pagtalikod ng pilipino sa identity na mayroon ito. kung alam nating magpahayag sa english ay ganoon din sana sa wikang filipino. gayundin, huwag naman nating ikulong ang sarili sa filipino lang. sana may iba din.

nais ko lang linawin na ang motibo ko dito ay magpahayag ng nararamdaman hindi manghikayat. kaya go lang pag nahikayat ka o hindi sa mga sinasabi ko.

[1] “SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. SEKSYON 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.”

[2]Unibersidad ng Pilipinas, UP Sentro ng Wikang Filipino, 2007, nanggaling sa http://sentrofilipino.upd.edu.ph/tungkol_sa_SWF/kasaysayan_ng_SWF.php; Internet; ini-access noong ika-12 ng Marso, 2009.

[3]ibid.

[4]“SEKSYON 9. Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.”

[5]Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Institute of Creative Writing, 2005, nanggaling sa http://www.panitikan.com.ph/organizations/kwf.htm; Internet; ini-access noong ika-12 ng Marso, 2009.

march 11, 2009. http://gjohnanonymouz.multiply.com/journal/item/96/the_english_and_the_filipino

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s